Pinatikim ng Rain or Shine ang unang talo ng Magnolia HotShots Timplados 119-105 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Sa unang quarter pa lamang ng laro ay umarangkada na ang Rain or Shie hanggang mapalapit ng Magnolia ang kalamangan pagdating ng halftime.
Mabilis naman na nakabawi ang Elasto Painters sa third quarter at pinalawig ang kalamangan 94-71.
Nanguna sa panalo ng Painters si Adrian Nocum na mayroong 20 points at pitong assists habang si Santi Santillan ay nagtala ng 17 points, 13 rebounds, tatlong blocks at isang assists sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Montalban,Rizal.
Nag-ambag naman ng 14 points si Johnard Clarito habang mayroong 11 points si Felix Lemetti at 10 points naman si Keith Datu.
Mayroon ng apat na panalo at dalawang talo ang Painters habang ang Hotshots ay mayroong anim na panalo at isang talo.
Hindi naman umubra ang nagawang 17 points ni Zav Lucero at tig-15 points nina Mark Barroca at Ian Sangalang para sa Hotshots.