-- Advertisements --
Naniniwala si Senadora Pia Cayetano na dapat mahalal ang isang indibidwal base sa kanyang kapasidad.
Tugon ito ni reelectionist Senator Cayetano nang matanong ito tungkol sa kanyang stand sa anti-political dynasty bill.
Aniya, mayroon siyang kapatid sa Senado na si Senador Alan Peter Cayetano ngunit magkaiba raw ang kanilang paniniwala at nagdedebate rin sila.
Gayunpaman, sinabi ng senadora na bukas siyang dinggin ang isyu kaugnay sa political dynasties.
Magsisilbing senador si Cayetano hanggang 2031 matapos masungkit ang ikasiyam na pwesto sa senatorial race ngayong eleksyon.