-- Advertisements --

Nagresulta sa isang katao ang nasawi at apat na iba naman ang sugatan sa naganap na pagsabog sa isang fertility clinic sa California.

Itinuturing naman ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang insidente bilang isang intentional act of terrorism.

Nangyari ang insidente sa ilang milya mula sa downtown Palm Springs malapit sa ilang mga kinaroroonan ng mga negosyo kabilang ang American Reproductive Centers (ARC).

Mayrong hawak ang FBI na isang ‘person of interest’ kung saan ito ay kanilang mahigpit na iniimbestigahan na.