Nagpasya na si NBA star Joakim Noah na magretiro na.

Sa kaniyang social media account, inanunsiyo ng French International ang pagreretiro matapos ang 13-season sa NBA.

Pinasalamatan ng 36-anyos na si Noah ang mga nakasama niya sa basketball career nito.

Ang two-time NBA All-Star ay naging 2014 Defensive Player of the Year.

Napili siya ng Chicago Bulls noong 2007 Draft.

-- Advertisement --

Taong 2016 ng kinuha ito ng New York Knicks kung saan naging limitado ang laro nito dahil sa injury at ang 20-game suspension dahil sa doping violations.

Noong 2018-2019 ay sumali siya sa Memphis Grizzles kung saan may average ito na 7.1 points kada laro.

Pumirma itong ng maikling kontrata sa Los Angeles Clippers pero ito ay nai-wave g koponan dahil sa maikling appearance lamang niya.