jimuel and manny 1

Ngunit nang tanungin kung handa na ba siyang ipagpatuloy ang legasiya ng ama sa boxing ay hindi pa raw sigurado rito si Jimuel. Kasalukuyang, amatuer boxer ang panganay ni Pacman sa boxing contests.

Nais na raw ni Jimuel Pacquiao na permanente nang tumigil ang kanyang ama na si Sen. Manny Pacquiao mula sa larangan ng boxing at mag focus na lamang ito sa pulitika at kanyang pamilya.

Si Jimuel ang panganay na anak ng Pambansang Kamao sa kanyang maybahay na si Jinkee Pacquiao.

“Actually me, personally din, kasi the sports is scary nga, and he’s not getting older, it would be okay for me if he would retire,” ani Jimuel.

Ayon pa kay Jimuel, bukas namang ibinabahagi sa kanya ng ama ang mga techniques nito at kung anong training pa ang kailangan niyang pagdaanan.