-- Advertisements --

Nananatili ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng pahayag ni NBI Director Melvin Matibag sa impeachment court na may mga aktibong sundalo na kabilang sa mga persons of interest sa umano’y planong pagpaslang sa Pangulo.

Ayon kay  Palace Press Officer Usec. Claire Castro, wala siyang impormasyon kung naiparating na sa Pangulo ang impormasyon bago ang pagtestigo ni Matibag sa impeachment court.

Siniguro naman ni Castro na alam na ito ng Presidential Security Command.

Iginiit din ni Castro na mahalagang matukoy ang sinumang tumiwalag sa kanilang mandato upang maprotektahan ang Pangulo.

Nilinaw rin ni Castro na sa kasalukuyan ay walang isinasagawang loyalty check sa militar dahil nasa pamunuan at security forces na ang usapin.