-- Advertisements --

Patuloy sa pamamayagpag ang Miami Heat matapos na panibago nilang mabiktima ang Chicago Bulls, 116-108.

Bumida sa Miami si Jimmy Butler na may 27 points, na dating player ng Bulls (2011 hanggang 2017).

Tumulong din naman sina Bam Adebayo na nagdagdag ng 16 points at 14 rebounds at si Kendrick Nunn na umiskor ng 13 sa first quarter lamang mula sa kabuuang 21 points para itala ng team ang ika-11 panalo at meron lamang tatlong talo ngayong bagong season.

Ito rin ang ikalimang winning streak ng Heat.

Uminit pa ng husto ang team nang lumamang sila ng 26 points bago bahagayang dumikit ang Bulls.

Umaasa na lamang si Butler na maging consistent sila dahil minsan daw ay dumaranas sila ng “mental lapses.”

Sa panig ng Bulls, nanguna si Zach Lavine na nagpakita ng 15 points.

Sunod na makakaharap ng Miami sa Linggo ay ang Sixers na dati namang naging team din ni Butler noong nakaraang season bago siya na trade.