Reading Time: 2 minutes

Muling nagsalita ang Original Pilipino Music (OPM) legend na si Jim Paredes at sa pagkakataong ito ay inamin na siya nga ang lalaki sa likod ng kumalat na video scandal.

Sa bago at mas detalyadong pahayag na inilabas ng 67-year-old former APO Hiking Society member sa kanyang blogsite, hindi raw nito alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon matapos malaman na kumalat ang dapat na pribadong video.

Ayon kay Paredes, nag-isip at nagdasal muna siya bago magdesisyong aminin ang pagkakamali.

“I have never tried to project myself as perfect. Of all the sins in this world, I believe sex is the most human of all. I am not saying this to excuse what, I regret, was broadcast on social media. I have always expressed my feelings freely. Today, I wish to express my truth. I am a flawed person, a human being, much like everyone else. I made a mistake, I was irresponsible. And I am truly sorry. The video was real. It was private, and not meant for public consumption. I do not know how it became public. I can only surmise that in this ugly season of toxic politics, muckrakers determined to neutralize my influence by violating my privacy and digging up dirt on me are at work,” ani Paredes.

Sa huling bahagi ay nag-sorry ito sa lahat ng taong nadismaya sa kanyang nagawa.

Inamin din nito na hindi siya perpektong tao at hinala ni Paredes na ang mga kalaban niya sa politika ang nasa likod ng paninira laban sa kanya.

Sa ngayon ay halu-halong reaksyon mula sa mga tao ang natatanggap ng beteranong mang-aawit kung kaya’t habang pinapahupa pa ang init ng isyu ay ginawa muna nitong pribado ang kanyang mga social media accounts.

Una nang umalma ang OPM singer at tinawag na fake news ang mga nagsabing siya ang nasa halos dalawang minutong video na unang pinagpiyestahan kasabay ng April Fool’s Day kahapon.

Dito ay makikita na siya ay naka-earphones, nilalaro ang dila bago isinentro ang ari sa camera.