Naghahanda na sa kanilang first-ever team-up concert sina David Pomeranz and Jim Brickman bilang regalo sa mga fans ngayong Valentine season.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay David Pomeranz and Jim Brickman, nais ng dalawang love song hit makers na iparamdam sa mga fans na karamay sila sa mga hirap na pinagdadaanan ng lahat dahil sa Pandemic na kahit sa pamamagitan ng vitual concert ay maiparating nila ang kanilang pagmamahal at makapagbibigay ng inspirasyon.

”It’s for Valentine’s Day, it’s Valentine’s season and we want to convey the love in our songs. And to remind them that life is beautiful, it can be beautiful as we make it. We want to help make it more beautiful ” David Pomeranz said during the exclusive interview of Star FM Bacolod

Pareho na silang excited na haranahin ang mga fans at nagkita na rin sila upang magkasamang mag pa-practice kung saan natatawa pang sinabi ni Brickman na naiinis siya kay Pomeranz dahil na LSS (Last Song Syndrome) siya sa kanta nito matapos ang mahabang practice.

”I was like, oh my gosh! I didn’t tell him this yet. I’m just gonna email you about this David but I was a little bit annoyed with you because these songs keep going around in my mind everytime. You know, Born For You is going through my mind” a cheerful statement of Jim Brickman

-- Advertisement --

Mapapanood ang kanilang virtual concert sa pamamagitan ng exclusive zoom link sa February 20, 2021, alas 9 ng gabi oras sa Pilipinas.

Ilan sa mga pinasikat ni Pomeranz ay ang King and Queen of Hearts, Born For You at Got To Believe In Magic habang ang ilang pinasikat naman ni Brickman ay ang The Gift, Valentine at Destiny.

Inaanyayahan nila lahat ng mga fans kabilang na ang mga Pinoy na saksihan ang kakaibang experience na ibibigay nila sa mga manonood kung saan magkakaharap ang kani-kanilang mga piano.