-- Advertisements --

Nakatakdang tuluyan ng i-retire ng Los Angeles Lakers ang jersey number 16 ni Pau Gasol.

Matapos kasi ang 18 NBA seasons at ang pagsali sa back-to-back champonships ng Laker ay tuluyan ng ireretiro ng Lakers ang jersey number nitos sa Marso, 2023.

Ang 42-anyos na si Gasol ay siyang pang-11 na manlalaro na ang numero ay nairetiro at siyang pang-apat na center kasama sina Hall of Famers Kareem Abdul-Jabbar, Shaquille O’Neal at Wilt Chamberlain.

Sa kaniyang social media ay nagpapasalamat siya at naging bahagi siya ng koponan.

-- Advertisement --

Magugunitang noong Oktubre ay inanunsiyo ng 7-foot-1 Spanish player ang kaniyang retirement.

Kabilang siya sa anim na All-star Game selections, tatlo dito ay sa Lakers.

Naging Number 3 overall selections ng 2001 NBA Draft ng Atlanta Hawks pero inilipat sa Memphis Grizzles.

Mayroong itong 18.8 points at 8.6 rebounds average per game.