-- Advertisements --
Nagkaubusan na sa buong mundo ang football jersey ni Argentinian star Lioinel Messi.
Kasunod ito sa pagkampeon ng Argentina ng talunin nila ang France sa score na 4-2 para makuha ang 2022 FIFA World Cup titles.
Maging sa mga online shops sa buong mundo ay naubos na ang nasabing jersey habang ang ibang jersey ay marami pa.
Naging makasaysayan kasi ang laro dahil ito ang kauna-unahang World Cup Trophy ni Messi sa kaniyang career.










