BUTUAN CITY – Patuloy na sinusubaybayan ng Butuan City Police Office (BCPO) ang Jenotech na siyang bagong pangalan umano ng Kabus Padatoon Community Ministry International Inc. (KAPA) Butuan branch.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni BCPO spokesman P/Captain Emmerson Alipit na lumabas sa kanilang pagsusuri na tila kagaya sa tayaan sa bitcoin ang modus nito.

Mayroon pa aniyang ibang miyembro noon ng KAPA na nagpa-revalidate sa pagnanais na makukuha pa ang kanilang na-invest na pera, habang may ibang mga miyembro ring nakiki-usyuso lamang.

Hindi pa nila nakuha ang kabuuang bagong pangalan ng KAPA sa dahilang wala pa umanong naka-memorize na mga miyembro dahil sa taas nito.

Kasama sa nakuha nilang impormasyon ang pagpoproseso na raw nila ng business permit at ang pagpapa-accredit pa nila sa Securities and Exchange Commission.