Sa halip na ipilit ang jeepney modernization program, inirekomina ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. sa pamahalaan na sa halip ay suspendihin ito, balikan ulit para mapag-aralan at pagbutihin ang probisyon na nilalaman nito.
Malinaw naman aniya na hindi maaring ipatupad ang aniya’y “ill-conceived” jeepney modernization plan na ito lalo pa at may mga issue pa rito bukod pa sa kasalukuyang kondisyon ng mga jeepney drivers at operators sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Iginiit ni Abante na magmula noong Marso nang ipinatupad ang Luzon-wide lockdown ay walang kita ang mga jeepney drivers sa Metro Manila kaya malabo aniyang sabihin na may kapital ang mga ito para gamitin sa modernization ng kanilang jeepney units.
Ang prayoridad dapat aniya sa ngayon ng pamahalaan ay makabuo ng isang “coherent, comprehensive plan” para makabalik na sa kanilang operasyon ang mga jeepney drivers.
“As someone who believes in protecting the environment, I am all for better jeeps that will not pollute our cities. However, modernization need not come at the expense of design elements that are distinctly Filipino,” giit ni Abante.
“These prototypes must also be cheap to produce and not harmful to the environment. With the talent and skill we have in this country, I am sure we will be able to design and build a modern jeepney that satisfies all these requirements,” dagdag pa nito.