Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na biktima ng “mafia” ang pinatay na negosyanteng si Jee Ick Joo.

Ngunit hindi ito ang Korean mafia na binabanggit sa kaso.

Nilinaw ni PNP-AKG Director, PSSupt. Glen Dumlao na mafia style ang pagpatay kay Jee bilang panakot ng grupo nina SPO3 Ricky Sta. Isabel sa iba pang negosyanteng Koreano.

Sinabi ni Dumlao na kilalang negosyante si Jee Ick Joo na walang kinasangkutang illegal at tumanggi itong magbigay sa mga pangingikil sa kanila.

Gusto umano ng grupo nina Sta. Isabel na magsilbing babala si Jee sa iba pang negosyanteng Koreano na ayaw magbigay sa kanilang extortion activities.

Malinaw na murder ang motibo ng grupo at naisipan lang itong pagkakitaan pa kung kaya’t humingi ng ransom sa pamilya.