-- Advertisements --
Screenshot 2020 06 19 17 18 19 16

Itinakda ng Judicial ang Bar Council (JBC) ang pagsusumite ng aplikasyon at documentary requirements ng mga gustong mag-apply sa mga bakanteng posisyon sa Court of Appeals (CA), Sandiganbayan, Court of Tax Appeals (CTA), overall deputy Ombudsman at Legal Education Board (LEB).

Ayon sa JBC, tatanggap na ang mga ito ng aplikasyon sa nominasyon maging ang mga requirement sa Hulyo 11 hanggang Agosto 25.

Sa CA, anim ang bakanteng posisyon na iniwan nina Justices Rodil Zalameda, Edgardo delos Santos, Mario Lopez at Samuel Gaerlan na pawang itinalaga sa Supreme Court (SC).

Kabilang pa dito ang sina justices Luisa Padilla at Jane Aurora-Lantion na parehong nagretiro.

Isang posisyon naman sa Sandiganbayan, dalawa sa CTA at apat na puwesto ang bubuksan para sa legal education board.

Ang mga naghahangad na maging overall deputy ombudsman ay puwedeng magsumite ng kanilang aplikasyon sa Hunyo 20 hanggang Agosto 4.

Kasunod pa rin ito ng pagtatapos na ng termino ni Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang sa Oktubre 14.

Si Carandang ay una nang sinibak ng Malakanyang dahil sa mga kasong betrayal of public trust at katiwalian matapos na ihayag nito sa media na may hawak na bank records ang Ombudsman ukol sa sinasabing nakaw na yaman ni Pangulong Duterte at ng pamilya nito.

Ngayong panahon ng pandemic na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) may karagdagan namang requirements sa mga magsusumite ng aplikasyon.

Ito ay ang pagsusumite ng resulta ng kanilang rapid antibody test, mabilban pa dito ang datin nang documentary requirements at medical records na hinihingi ng JBC.

Kapag positibo raw ang aplikante sa rapid test ay agad itong isasalang sa swab o confirmatory test.

Isusumite ng aplikante ang resulta ng swab test na inisyu ng mga otorisadong ospital o laboratoryo na sertipikado ng Research Institute for Tropcail Medicine (RITM) at Department of Health (DoH).