All set na ang concert ng international singer na si Jason Mraz sa Pasay City mamayang gabi.

Kahapon nang dumating sa bansa ang “I’m Yours” hitmaker.

Una nang naiulat na tampok sa Manila concert ni Mraz ang Pinay artist na si Renee Dominique.

Nagkakahalaga ang ticket prizes mula halos P2,000 hanggang P10,000.

Ito na ang pangatlong beses na pagsasagawa ni Mraz ng show sa Pilipinas- una ay noong 2013.

Kabilang pa sa hit songs ng 41-year-old singer ay ang “I Won’t Give Up,” “Lucky,” at iba pa.