Opisyal ng hiwalay ang Hollywood actor Jason Momoa at asawa nito ng si Lisa Bonet.
Naging epektibo ang nasabing divorce na isinampa nila ng maglabas ng desisyon ang Los Angeles County court.
Mahigit pitong taon na silang ikinasal kung saan bago noon ay nagsama sila ng 12 taon.
Magugunitang naghain ng divorce si Bonet o Lilakoi Moon sa tunay ng buhay noong Enero.
Nakasaad sa mga dokumento na mula pa noong Oktubre 7, 2020 ay hiwalay na sa sila.
Napagkasunduan ng dalawa ang joint custody ng kanilang 16-anyos na anak na dalaga at 15-anyos na anak nilang binata.
Ang 44-anyos na si Momoa ay nakilala sa pagganap nito bilang si “Aquaman” sa pelikula at “Game of Thrones” habang ang 56-anyos na si Bonet ay nakilala sa pagganap nito sa mga pelikulang “High Fidelity” at “Enemy of the State”.