Buhos ngayon ang pakikiramay sa mga naulila ng professional Japanese wrestler na si Hana Kimura na sumakabilang buhay sa edad na 22-anyos.

Una rito, kinumpirma ng Stardom Wrestling na pumanaw na si Kimura, ngunit hindi pa binanggit ang naging sanhi nito.

“Please be respectful and allow some time for things to process, and keep your thoughts and prayers with her family and friends,” pahayag ng organisasyon.

Bago bawian ng buhay, nagawa pa nitong mag-post sa social media kung saan mistulang nagpapahiwatig ito na nabiktima ito ng cyber-bullying.

Isa si Kimura sa mga cast members ng Japanese reality TV show na Terrace House, bago ito masuspinde dahil sa coronavirus. (BBC)