Pinag-aaralan umano ng management team ni Jake Zyrus o dating si Charice kung paano ibabahagi sa mga Pilipino ang award-winning documentary ng singer

Ito’y matapos ang nasungkit na parangal ng self-titled special documentary na “Jake and Charice” bilang gold camera award winner sa 50th US International Film and Video Festival.

Ang nasabing Japanese produced documentary ay hango sa tunay na buhay at pinagdaanan ni Jake Zyrus bilang isang transman (transgender man) matapos talikuran ang buhay bilang babae.

Ang naturang dokumentaryo ay ipinalabas sa Japan noong November 2019.

Kabilang sa mga producer ay sina: Shin Yasuda ,Akiko Tabakotani, Keiko Tsuneki, at Kenji Hyodo.

Nagsilbing director/editor si Hiroko Ninomiya.

Taon 2018 nang maging engaged ang Pinay singing sensation sa nutritionist at fitness instructor na si Shyre Aquino.