-- Advertisements --
Surpresang bumisita naman sa Ukraine si Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Personal itong nakipagkita kay Ukraine President Volodymyr Zelensky.
Sinabi ni Emine Dzheppa, ang First Deputy Minister of Foreign Affairs of Ukraine na masaya sila sa pagbisita ni Kishida.
Ito aniya ay makasaysayang pagbisita ng Japanese official na nagpapakita ng malalim na ugnayan ng dalawang bansa.
Ito kasi ang unang pagkakataon na bumisita ang isang Japanese prime minister sa Ukraine mula ng maganap ang World War II.
Ang nasabing pagbisita ni Kishida ay base na rin sa imbitasyon ni Zelensky.
Magugunitang nangako ang Japan na magbibigay siya ng $5.5 bilyon bilang humanitarian aid sa Ukraine.