-- Advertisements --
Nakahanda na ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa pagbisita sa bansa ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Magsisimula ang dalawang araw na pagbisita ni Kishida mula Nobyembre 3 hanggang 4.
Ayon sa Presidential Communications office na magsasagawa ng bilateral meetings sina Kishida at Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Malacañang sa Biyernes.
Inaasahan na tatalakayin ng dalawa ang pagpapaigting ng seguridad, ekonomiya at ilan pang mga usapin.
Magugunitang bumisita sa Japan si Pangulong Marcos noong Pebrero at nakakuha ito ng $13 bilyon an halaga ng mga kasunduan na siyang magbibigay ng ilang libong trabaho sa mga Filipino.
















