-- Advertisements --

Nagsisilbing top investment choice ng mga Japanese investors ang Pilipinas, dahil sa umano’y magandang takbo ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Japanese Chamber of Commerce and Industry Chair Ken Kobayashi, maraming mamumuhunan sa Japan ang nagkaka-interest na maglagak ng malalaking pondo dito sa bansa.

Kabilang sa mga nakita nilang dahilan aniya, ay ang stable na na paglago ng ekonomiya, mataas na domestic demand, at maging ang malaking workforce population.

Ang Japanese Chamber of Commerce and Industry ang pinakamalaking business organization sa Japan na binubuo ng halos1.25 milyong kumpanya.

Ito ay kinabibilangan ng mga malalaking korporasyon at hanggang sa mga small at medium-sized companies sa Japan.

————

Mga cold storage facilities at sasakyan, tinanggap ng DOH mula sa Japan, para mapalakas ang COVID-19 crisis response
Loops: cold storage facilities donated by JIC to DOH

Tumanggap ang Department of Health (DOH) ng mga cold chain equipment at mga sasakyan mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ang mga naturang kagamitan, na nagkakahalaga ng kabuuang P260 million, ay magiging bahagi ng COVID-19 crisis response system ng bansa.

Sa inilabas na pahayag ng DOH, nakasaad dito na ang mga natanggap na cold chain equipment ay makakatulong sa ahensiya upang magkaroon ng sapat na pasilidad na magagamit sa vaccination system, lalo na sa mga panahon ng outbreaks.

Samantala, ang kabuuang donasyon ay binubuo ng 140 ice pack freezers, at 500 thermal packaging systems.

Habang ang mga sasakyan ay binubuo ng 17 units ng mga pickup services, 17 delivery van, 18 wing van at walong refrigerated van.

Agad namang dinala ang mga naturang kagamitan sa DOH warehouse sa Marikina City,

Samantala, nagpasalamat naman si Health Secretary Ted Herbosa sa patuloy na pagtulong ng bansang Japan, sa pamamagitan ng JICA.

Ang mga naturang donasyon aniya ay nagsisilbing testimonya sa magandang pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas at Japan, lalo na sa pagprotekta sa kalusugan ng mga mamamayan.