Nagpositibo sa COVID-19 si Japanese gymnast Kohei Uchimura.

Dahil dito ay pinangangambahan na hindi na makakasali si Uchimura sa international meet.

Ang nasabing international meet ay gaganapin sa Nobyembre 8 bilang paghahanda para sa Tokyo Olympics.

Nauna na kasing ipinagpaliban ang nasabing torneo na unang plano ay sa Marso subalit dahil sa coronavirus pandemic ay kinansela ito.

Sinabi ni Morinari Watanabe ang pangulo ng Federation International de Gymnastique (FIG) na asymptomatic si Uchimura at mabuti ang kaniyang kalusugan.

Muli ito ng isasailalim sa testing sa Nobyembre 5 para malaman kung sasali pa sa nasabing torneo.