Tahasang inamin ni Japan’s Prime Minister Shinzo Abe na naghahanda na ang kanilang gobyerno kung sakaling mas lalo pang lumala ang kaso ng coronavirus infectious disease (COVID-19) sa bansa.
Kinausap umano ni Abe ang komite ng mataas na hukom ngayong araw para ipahatid sa mga ito ang kaniyang naging desisyon na ipasara ang lahat ng paaralaan sa bansa na tatagal hanggang sa panahon ng tagsibol ngayong taon.
Sinabi nito na kauna-unahang prayoridad ng gobyerno ang kaligtasan at kalusugan ng bawat bata at kailangang iwasan ang pagkalat ng virus sa mga eskwelahan.
Dagdag pa ni Abe, mahalaga umano na mag-focus ang mga ito sa worst-case scenario. Kagaya na lamang ng kung anong protocol ang ipatutupad kung sakaling mabilis na kumalat ang sakit sa iba’t ibang parte ng Japan.
Nakahanda rin umano ang prime minister na isailalim ang Japan sa state of emergency sa oras na lumala pa ang kaso ng coronavirus sa naturang bansa.










