Pumanaw na ang sikat na fashion designer sa Japan na si Hanae Mori sa edad 96.
Nakilala si Mori sa tawag na “Madame Butterfly” dahil sa kaniyang signature motif na may pakpak.
Hindi na binanggit pa ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ni Mori.
Siya ang pinakasikat at unang Japanese at Asian designer na lumahok sa mga ranko ng mga sikat haute couture desingers noong 1977.
Isinilang sa western Japan noong 1926 at nagtapos sa Tokyo Woman’s Christian University.
Nagbukas ito ng kaniyang unang fashion studio noong 1951 sa Tokyo.
Mula ng makilala nito ang sikat na French designer na si Coco Chanel noong 1960 ay doon na nagsimulang umarangkada ang kaniyang career.
Ilan sa mga sikat na celebrities na kaniyang nabihisan ay sina Grace Kelly ganun din ang mga sikat na personalidad gaya nina Nancy Reagan at Crown Princess Masako.
Noong 2002 ay ginawaran siya ng French government ng Legion of Honor.