Nag-courtesy call si Ambassador Kazuhiko Koshikawa ng Embassy of Japan kay Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Adm. Leopoldo Laroya sa PCG Headquarters sa Port Area, Manila.
Ito ang unang pagbisita ng envoy sa PCG mula nang makarating sa bansa noong nakaraang taon.
Ang Pilipinas at Japan ay nagkakaisa sa layuning mapalakas pa ang puwersa sa pagbabantay sa mga teritoryo ng dalawang bansa.
Una rito, maglalagay na ng mga kagamitan ang PCG sa kanilang vessel para maging capable ito sa pagdadala ng supply, pagbomba ng tubig at pag-rescue kung kinakailangan.
Ito ang hakbang ng ahensya bilang bahagi ng pagpapalakas ng kapasidad upang higit pang mapangalagaan ang ating mga mangingisda at sakop na lugar sa West Philippine Sea at iba pang bahagi ng dagat.
Pero paglilinaw nila, hindi ito para gawin ang pag-atake, kundi para sa depensa, kung kinakailangan.
Matatandaang naantala ang supply delivery para sa mga tauhan ng AFP sa Ayungin Shoal, matapos bombahin ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang civilian vessel ng mga Filipino.