Kinansela ni Japanese boxer na si Naoya Inoue ang nakatakdang world super-bantamweight title fight laban kay American WBC at WBO champion Stephe Fulton.
Ito ay matapos na magtamo ng injury sa kaniyang kamay ang Japanese boxer dahil sa pag-eensayo.
Ito sana ang unang super bantamwieght fight ni Inoue na gaganapin sa Mayo 7 sa Yokohama sa Japan.
Dahil dito ay iniurong ang laban sa buwan ng Hulyo.
Humingi ng paumanhin si Inoue sa kasama nito sa team dahil sa pangyayari.
Si Inoue ang nagwagi ng world titles sa tatlong magkakaibang weight division ay pinatumba si Paul Butler ng England noong Disyembre at naging unang undisputed bantamweight world champion mula ng makuha ni Enrique Pinder noong 1972.
Binakante nito ang kaniyang titulo noong Enero para umakyat ng super-bantamweight division.
Habang ang 28-anyos na si Fulton ay wala pang talo sa kaniyang 21 na laban na mayroong walong knockouts.
Isa siya sa dalawang world champion sa super-bantamweight division na ang isa ay si Murodjon Akhmadaliev ng Uzbekistan na hawak ang WBA at IBF belts.