-- Advertisements --
Tatangalin na ng Japan ang kanilang COVID-19 restrictions sa mga dayuhang turista simula sa buwan ng Oktubre.
Sinabi ni Japanese Prime Minster Fumio Kishida, na sa mahigit dalawang taon ay naantala ang galaw ng mga tao at produkto.
Sa kaniyang talumpati sa United Nation General Assembly sinabi ni Kishida na magsisimula ang kanilang pagluluwag sa Oktubre 11.
Kasama ng Japan ang China na nagpatupad ng mahigpit na travel restrictions sa mga dayuhan dahil sa COVID-19 pandemic.
Nais lamang tiyakin kasi ng Japan government na hindi na sila mapapasok ng COVID-19.