-- Advertisements --

Dumating na sa bansa si Japan Prime Minister Fumio Kishida para sa dalawang araw na official visit sa Pilipinas.

Pasado alas-2:00 ng hapon kanina ng lumapag ang eroplano kung saan lulan ang pinaka mataas na lider ng Japan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Si Department of Transportation Secretary Jaime Bautista ang sumalubong sa Japanese Prime Minister kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan.

Agad na dumiretso si Kishida sa Luneta sa Maynila para sa pag-alay ng bulaklak sa monumento ni Dr. Jose Rizal.

Kasunod nito ay magtutungo na sa Malakanyang si Kishida at ang kaniyang delegasyon para sa nakatakdang bilateral meeting nila ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Una ng inihayag na kabilang sa tatalakayin sa pulong ng dalawang lider ang isyu sa West Philippine Sea.