-- Advertisements --

Plano ngayon ng Japan na luwagan ang kanilang border controls.

Ayon kay Prime Minister Fumio Kishida , na kanilang pinag-aaralan ang nasabing panukala matapos na ipatupad noong nakaraang taon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.

Sa nasabing border ay pinagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhan ng hanggang katapusan ng Pebrero.

Hindi naman nito binanggit ng Prime Minister kung ano ang ilang mga ipapatupad na pagbabago.