-- Advertisements --
Nagkumahog ang fighter jets ng Japan matapos na makita ang dalawang Russian IL-38 Information-gathering aircraft na pabalik-balik sa Sea of Japan at East China Sea.
Ayon sa Japanese defense ministry na ang nasabing mga eroplano ay dumadaan sa Tsushima Strait ang naghihiwalay sa Japan at South Korea.
Nakita ang nasabing eroplano ng Russia matapos ang maiulat na pagtawid ng Russian at Chinese naval ships sa international waters sa pamamagitan ng Okinawa Island at Miyako Island sa Southern Japan.
Itinuturing na kaugalian na ng Japan ang pagpapalayas sa mga eroplano ng ibang bansa na tumatawid sa himpapawid na kanilang nasasakupan.