-- Advertisements --

Magsasagawa ang Japan ng state funeral para sa longest-serving prime minister nito na si former Prime Minister Shinzo Abe bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa bansa at sa buong mundo.

Ayon kay Bombo International Correspondent Josel Palma direkta sa Japan, Septyembre 27 ang reported na petsa ng state funeral, ngunit ipapalabas ang official decision sa cabinet ngayong Byernes.

Gagawing site ang Nippon Budokan, isang arena na isinagawa para sa 1964 Tokyo Olympic Games at ginamit rin para sa sports events at concerts sa bansa at ginawa ring venue para sa memorial service taon-taon para sa mga namatay sa World War Two.

1967 pa noong huling nagsagawa ng state funeral ang bansa kung saan Japanese government ang nag-shoulder ng kabuuang gastos para sa seremonya.

Hulyo 8 nang namatay ang 67-anyos na former prime minister matapos binaril habang nasa campaign rally sa Nara para sa July 10 upper house elections.