-- Advertisements --

Hihigpitan pa ng Japan ang patakaran sa mga foreign nationals na hihiling ng asylum sa kanilang bansa.

Sa ilalim ng bagong sistema, mapahintulutang i-deport ang mga indibidwal na tinanggihan ng gobyerno nang maraming pagkakataon.

Sa kasalukuyang kasi, hindi maaaring ibalik ng mga immigration authorities ang mga foreign nationals sa kanilang sariling bansa habang pinoproseso pa ang mga aplikasyon.

Ayon sa Japanese authorities, marami ang nag-aabuso sa sistemang ito sa pamamagitan ng pag-apply nang maraming ulit upang manatili sa Japan.

Magiging epektibo ang bagong paghihigpit sa darating na buwan ng Hunyo.