-- Advertisements --
image 93

Lalahok ang mga tropa ng Japan sa itinuturing na large scale joint exercise sa pagitan ng Pilipinas at US armies sa unang pagkakataon ayon sa isang top military official.

Ito ang pinakabagong emerging trilateral defense partnership ng tatlong nasyon.

Ayon kay Army chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., ilang observers mula sa Japan Ground Self-Defense Force (JGSDF) ay lalahok sa Sakanib drill na isang taunang exercise na pinapangunahan ng Philippine Army para palakasin ang kahandaan at interoperability kasama ng counterparts mula sa Amerika na magsisimula na sa susunod na linggo.

Inaasahan na nasa 3,000 tropa mula sa Philippine Army at US Army Pacific ang makikibahagi sa largest drill na ito na marami kung ikukumpara noong nakalipas na taon kung saan nasa 2,200 tropa lamang ang lumahok.

Ang Salaknib exercise ay isasagawa sa dalawang pahse mula sa kalagitnaan ng Marso hanggang sa unang bahagi ng Abril at Hunyo s iba’t ibang lugar sa Northern Luzon kabiang sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, sa sa unang limang lokasyon na napagkasunduan sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), isang kasunduan na nagpapahintulot sa United States na magkroon ng access sa bases ng Pilipinas para sa joint training at prepositioning of equipment.