Bumisita sa Ukraine ngayong Linggo, si Japanese Foreign Minister Yoko Kamikawa para makipagkita sa kanyang counterpart na si Dmytro Kuleba at magpakita ng patuloy na suporta ng Tokyo sa naturang bansa.
Matatandaan na ang Japan ay nagpakita ng suporta para sa Ukraine mula pa noong pagsalakay ng Russia, pagpapalawak ng mga parusa laban sa Moscow kabilang na ang mga pagbabawal sa pag-export at pag-freeze ng asset.
Nakatakdang maglakbay si Kamikawa sa Kyiv mula sa Warsaw ngayong Linggo, batay yan sa isang pahayag ng foreign ministry.
Sa pagbisita nito, muling bibigyang diin umano sa mga Ukrainian na ang patuloy na polisiya ng Japan na suportahan ang Ukraine, ay hindi magbabago.
Bibigyan rin umano ni Kamikawa ng paliwanag ang Ukrainian side sa mga detalye ng mga proyektong tulong na iaalok ng Japan sa Kyiv.
Plano ng Japan na mag-host ng isang conference para isulong ang economic reconstruction ng Ukraine sa Tokyo sa Pebrero, na kung saan naman inaasahang dadalo si Ukrainian Prime Minister Denys Shmyhal.