-- Advertisements --
Binuksan na ng Japan ang kanilang border sa 98 mga bansa at rehiyon.
Ito ang unang pagluluwag ng Japan matapos ang dalawang taon ng ipatupad ang paghigpit sa pagpasok ng mga turista dahil sa COVID-19 pandemic.
Bagamat niluwagan ang restrictions ay makakabisita lamang sa bansa kung kabilang sa tour group.
Mula Hunyo 1 ay limitado lamang sa 20,000 na mga foreign arrivals ang papayagan.