cropped Gretchen Diez LGBT
-- Advertisements --

Kung Malacañang daw ang tatanungin, hindi dapat mawalan ng trabaho ang janitress na sumita sa transwoman na si Gretchen Diez na pumasok sa palikuran ng mga babae sa isang mall sa Quezon City.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, sapat na ang paghingi ng tawad at pag-amin sa pagkakamali ng naturang empleyado para manatili sa kanyang trabaho sa naturang establisyemento.

Bukod dito, nagpahayag naman ang janitress ng kahandaan na pag-aralan ang karapatan ng mga miyembro ng LGBT community.

Sa ngayon, wala naman daw balak si Pangulong Rodrigo Duterte na harapin ang janitress matapos nitong kausapin sa Malacañang kagabi.