-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng actress na si Janine Gutierrez kung bakit hindi pa ito nag-aasawa.

Sa kaniyang social media, nagpost ang 33-anyos na video at sinabing bawat tao ay mayroong kaniya-kaniyang kapalaran sa buhay.

Katatapos lamang nitong ipinagdiwang ang kaniyang ika-33 kaarawan at natatawa lamang siya na lagi ito ang tanong ng mga tao tuwing kaniyang kaarawan.

Pinayuhan nito ang kapwa babae na dapat ay huwag magpadala sa pressure ng pag-aasawa dahil mayroon aniyang kaniya-kaniyang kapalaran ang bawat isa.

Magugunitang nauugnay ngayon ang actress sa actor na si Paulo Avelino.