Pormal na ring inilunsad at ipinarinig sa pagtitipon sa Manila Cathedral ang magiging opisyal na themesong sa buong taon na selebrasyon ng 500 years of Christianity in the Philippines.

Jamie rivera 500YOC

Umawit sa okasyon ang veteran singer na si Jaime Rivera, kung saan ang pamagat ng themesong ay “We Give Our Yes.”

-- Advertisement --

Una nang iniatas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pag-commission sa awitin noong 2015 na ang composer ay si Father Carlo Magno Marcelo.

Kung maalala si Jamie rin ang nagpasikat noon sa themesong sa visit ni St. Pope John Paul II na “Tell the World of His Love” noong 1995.

Samantala, sinabi naman ni Bishop Broderick Pabillo, apostolic administrator of Manila, nararapat lamang daw na simulan ang pagbubukas ng selebrasyon ng 500 years of Christianity sa Manila Cathedral dahil ito ang unang arkidiyoses sa buong Pilipinas na idineklara noong taong 1579.