-- Advertisements --
RITM file

LA UNION – Inaprubahan na ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang Ilocos Training Regional & Medical Center sa San Fernando City, La Union, upang maging molecular laboratory o isa sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) testing facility nito.

Kung maaalala, ang mga specimen o swab test ng mga COVID-19 patients sa lalawigan ay kailangan pang ipadala sa Baguio General Hospital at mag-aantay ng ilang araw bago malaman ang resulta.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Dr. Rheuel Bobis, medical officer-4 ng Department of Health-Region 1, sinabi nito na ang ITRMC ang kauna-unahang pagamutan sa Ilocos Region na aprubado bilang COVID-19 testing facility.

Ayon pa kay Bobis, nakahanda na ang mga test kits matapos dumating kahapon bagama’t hinihintay pa ang accreditation.

Sinabi pa nito na may mga kailangan pang gawin bago maging operational sa mga kliyente.

Aniya ang mga health workers, frontliners, at suspected COVID-19 patients, ang unang isasalang sa test bilang pagsunod sa expanded COVID-19 testing.

Sa ngayon, wala pang impormasyon kung kailan magsisimula ang operasyon nito bagama’t ang Pangasinan ang una sa Ilocos Region na nagsagawa ng COVID-19 testing.