-- Advertisements --
Sa mga susunod pa na mga linggo malalaman kung ano ang maaring itawag sa men’s volleyball team ng bansa.
Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na maraming mga suhestiyon na silang pinagpipilian mula sa ibat-ibang volleybal fans.
Nais kasi ng grupo na madaling maalala ng mga Filipino ang pangalan ng volleyball team ng bansa gaya ng basketball team na Gilas Pilipinas at ang women’s football team na Filipinas.
Noong 2015 kasi ay unang tinawag ang men’s volleyball team na Bagwis habang ang mga women’s volleyball team naman ay “Aminahan”.
Magugunitang napili ang Pilipinas na maging host ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship.