LAOAG CITY – Pansamantalang ipinasara ng gobyerno ng Italya ang kanilang border sa mga karatig-bansa dahil sa coronavirus.

Ito ang report ni Bombo International Correspondent Elmer Macadangdang sa Milan, Italy.

Aniya, kasama sa mga bansang hindi muna pahihintulutang makapasok sa Italya ay ang Switzerland, France, Austria, Germany at Spain.

Sinabi ni Macadangdang na ginawa ito ng gobyerno sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa Italya kung saan mahigit 3,000 na ang “persons under investigation, halos 230 naman ang kumpirmadong apektado ng virus at anim na ang namatay.

Samantala, sinabi ni Macadangdang na sa ngayon ay nagsara na ang ilang mga malalaking establishments sa nasabing bansa dahil halos wala nang laman ang mga ito.

Una nang naiulat na ipinagbawal muna ng gobyerno ang pagpunta sa mga pampublikong lugar sa bansa dahil sa coronavirus.