LA UNION – Dead on arrival sa pagamutan ang isang IT programer matapos itong malunod sa karagatan sakop ng Barangay Panicsican sa bayan ng San Juan, La Union.

Nakilala ang namatay na biktima na si Paul Suagon, 27,binata at residente ng Bayanan, Bacoor, Cavite.

Base sa report ng San Juan Police, nagtungo umano ang biktima sa dagat upang maligo ng biglang hinatak umano ng malalaking alon.

Bagama’t naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot pa ng buhay.