-- Advertisements --

Gagamitin ni Democratic nominee Joe Biden ang bakanteng posisyon sa US Supreme Court upang patatagin pa ang kaniyang argumento sa nalalapit na 2020 presidential elections.

Inaasahan na magsisilbi itong referendum sa paraan ng pangangasiwa ni President Donald Trump sa health care at coronavirus pandemic sa Amerika.

Gumimbal kasi sa nalalapit na eleksyon ang pagkamatay noong nakaraang linggo ni Justice Ruth Bader Ginsburg, anim na linggo bago ang halalan habang ang ibang estados naman ay nagsisimula nang bumoto.

Ginamit ni Trump ang oportunidad na ito upang magtalaga ng bagong Supreme Court justice na hihikayat sa mga loyal voters nito.

Iikot ang sasabihin ni Biden sa kalagayan ng healh care sa naturang bansa. Ilang beses na kasing napatunayan na ito ang winning issue para sa mga Democrats noong mga nagdaang eleksyon.

Batay sa mga naglabasang reports, tamang tama ang paksang ito dahil na rin sa pandemic na nararanasan ng buong mundo.