-- Advertisements --

Inusisa ng mga senador ang mga opisyal ng gabinete sa isyu ng umano’y overpriced na personal protective equipment (PPE), testing facilities at iba pa.

Matatandaang lumitaw ang naturang usapin sa expose ni Sen. Panfilo Lacson.

Para kay Lacson, nakapagtatakang may humihirit na ng supplemental fund, habang may usapin pa ng labis na presyo ng ilang binibiling kagamitan para sa COVID response ng gobyerno.

Pero giit ni Health Sec. Francisco Duque III, kaya sila napilitang bumili ng mas mahal na testing materials dahil hindi nagtutugma ang iba nilang dating ginagamit sa mga bagong dating na makina.

Ang ibang pasilidad naman na kailangan sa pagsusuri ay hihingan na lang daw ng report ng DoH sa kanilang mga tauhan sa RITM.

“Did I hear you correctly you are investigating the overpriced purchases?,” tanong ni Lacson.

“I said I have already instructed my Usec for Admin and Finance to collate the documents. I know RITM and end-user, program managers are the ones who provide the specification,” tugon ni Duque.