-- Advertisements --

Nangangamba ang ilang senador sa posibleng maging epekto sa paghimay ng 2021 national budget dahil sa bangayan sa Kamara.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, posibleng isa ang pork barrel sa sanhi ng hindi pagkakasundo sa Kongreso, kung saan may isyu pa ng umano’y kudeta.

Ito aniya ang rason kaya bumababa ang pagtingin ng marami sa mga mambabatas, kahit sa mga nakalipas na taon.

“This early, we are already seeing the ugly effects of “pork.” More than the possible delay in the passage of the 2021 national budget, any ugly squabble in plenary over the distribution of earmarks a.k.a. “pork” is exactly that – ugly. When statesmanship goes out the window, our people’s respect towards the legislature as an institution as well as its individual members somehow dissipates. Any way we look at it, it is sad and lamentable, to say the least,” wika ni Lacson.

Hangad naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magpatuloy lamang ang budget hearings kahit may hindi pagkakasundo ang ilang kongresista.

Giit ni Drilon, nakasalalay ang kapakanan ng buong bansa sa tinatalakay na pambansang pondo kaya hindi ito maaaring maantala.