Inatake ng mga Israeli police ang dose-dosenang nagsasamba sa Al-Aqsa Mosque compound magmadaling-araw noong Miyerkules ayon sa mga nakasaksi ng pangyayari.
Subalit sa panig ng Israeli police, nagpaliwanag ang mga ito na tumugon lamang sila sa mga nagkakagulo o riot.
Napilitan umano silang pasukin ang compound matapos na ikulong ng tinawag na “masked agitators” ang kanilang sarili sa loob ng mosque na mayroong firework, sticks at stones o mga bato.
Pagkapasok umano ng mga ito sa loob ng mosque, pinagbabato sila at pinaputukan ng fireworks kung saan isang police officer ang nagtamo ng injury sa binti.
Nakapagtala ang Palestenian Red Crescent ng dose-dosenang nasugatan sa insidente subalit hindi pa inilalabas ang kabuuang bilang ng nasaktan at ibinunyag na pinipigilan umano ng Israeli forces ang kanilang medics na makapasok ng mosque para malapatan ng lunas ang mga sugatang indibidwal.
Nangyari ang kaguluhan sa gitna ng pag-obserba ng holy month ng Ramadan ng mga Muslim kasabay ng Passover ng Judaism at Christian Easter.