Nagpasalamat si Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa pagpapailaw ng asul ng Quezon City government sa Quezon Memorial Shrine.
Sa isang pahayag, nagpasalamat ang Israeli Ambassador kay Mayor Joy Belmonte sa aniya’y pagpapakita ng suporta sa bansang Israel sa pamamagitan ng naturang aksyon.
Hinikayat din ni Fluss ang publiko na ipakita ang suporta sa Israel, katulad ng pagpapakita ng Quezon City ng suporta nito.
Maalalang una nang iminungkahi ni Fluss ang paglalagay ng mga bandila ng Israel sa mga buildings sa Metro Manila bilang tanda ng suporta sa Israel, kasunod ng naging pag-atake ng grupong Hamas noong Oktobre-7.
Sa kasalukuyan, maraming bansa na ang nagpakita ng kanilang suporta sa Israel sa pamamagitan ng pagpapailaw ng bughaw at puti sa kanilang mahahalagang landmark at mga pampublikong gusali.
Kinabibilangan ito ng Germany, US, Greece, atbp.
Bukod sa pagpapailaw ng bughaw, ang ibang bansa ay nagpakita ng kanilang suporta sa Israel sa pamamagitan ng ng paglalagay ng watawat ng Israel sa kanilang mga pampublikong gusali.