-- Advertisements --

Pumayag na ang Israel na magkaroon ng apat na oras kada araw ng pagtigil ng kanilang military operations sa northern Gaza.

Ayon sa White House na ang nasabing kaparaanan ay para mabigyan ng daan ang humanitarian aid at makaalis ang mga sibilyan na naiipit sa labanan.

Ito rin aniya ay pagkakataon para sa ligtas na pagdaan ng mga bihag ng mga Hamas militants.

Una ng hiniling ni US President Joe Biden na sana magkaroon ng tatlong araw na tigil putukan sa mga Gaza para mapalaya pa ang mahigit na 200 bihag ng Hamas militants.

Magugunitang nasa mahigit 10,000 na mga Palestinian ang nakatawid na sa Gaza.