-- Advertisements --

Inalis ng Israeli ang pagkabahala ng ilang Palestino na sila ay pagbawalang sumamba sa Al-Aqsa Mosque sa unang linggo ng Ramadan.

Sinabi n Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, na kada linggo ay magbabago ang panuntunan depende aniya sa security assessment.

Nitong gabi kasi ng Lunes ay may ilang mga kabataang kalalakihan ang hindi nakapasok sa mosque kaya yung iba ay sa gilid ng kalsada ng Jerusalem habang ang iba ay sa malapit sa sementeryo.

Dinagdagan na rin ng Israeli ang pagbabantay sa paligid ng Al-Aqsa Mosque dahil sa nasa mahigit 35,000 na mananampalataya ang nagtungo doon.

Nakatalaga ang mga sundalo ng Israel sa Damascus Gate isa sa pangunahing entrance ng Old City of Jerusalem.